Blighted: Philippine jurisprudence and State Repression – The Morong 43
June 16, 2015
The Doctor is IN (Jail)
June 16, 2015

Kaanak ng Morong 43 umapela sa Malacañang

“Ayoko na, ayoko na, hindi na yata ako tatagal sa nangyayari”.

Hindi naitago ni Evelyn ang hinanakit dahil sa nangyari sa asawang si Dr. Alex Montes.
Isa si Dr. Alex sa ‘Morong 43’ o ang 43 community health workers na inaresto sa Morong, Rizal noong Pebrero matapos akusahang mga miyembro ng NPA pero mariin nila itong itinatanggi.

Ipagpapalit niya ang buhay niya para sa kapakanan ng mahihirap,” sabi ni Evelyn.

Walong buwan nang nakakulong ang ‘Morong 43’ kaya’t nang bigyan ng amnestiya ang mga sundalong Magdalo at iba pang nag-aklas laban sa dating administrasyong Arroyo, hindi napigilan ng mga kaanak ng ‘Morong 43 ‘ na sumama ang loob.

“Ang mga kaanak na wala namanng ginawa kundi tumulong ‘yung mahihirap, sila pa yung nakakakulong,” dagdag pa ni Evelyn.

Kanina, nag-rally sa Malacañang ang mga kapamilya ng Morong 43. Hindi lang amnestiya kundi unconditional release ang hinihingi nila.

Siya ang presidente na hindi binabalewala ang karaingan ng kanyang mamamayan. Kami po ay kagyat na humihiling sa kanya na palayain ang ‘Morong 43’,” ayon kay Jigs Clamor na kaanak ng isa sa‘Morong 43’.

Aminado si Pangulong Aquino na kuwestionable ang naging pag-aresto sa ‘Morong 43’ ngunit ang korte na raw ang may kapangyarihang magresolba nito.

We would like to rectify the situation but it will have to be sanctioned by the courts who already has cognizance of the case,” ayon kay Aquino.

Nabuhayan ng loob ang mga kaanak ng ‘Morong 43’ sa ipinahayag ni Pangulong Noynoy. Nananawagan sila na iutos ng pangulo sa DOJ na i-withdraw na ang kaso para mapalaya na ng Korte ang kanilang mga kapamilya.

Jing Castañeda, Patrol ng Pilipino