Morong43_QCRTC_3Feb2016_CouncilForHealthandDevt (2)
Ombudsman is as guilty now as those who tortured the Morong 43
February 3, 2016
eutodaydotnet-eu-ph-to-start-fta-negotiations
EU-PH FTA: A Bitter Pill To Swallow
May 25, 2016

Kidney patients slam hospital’s pusong bato

IMG_3317

IMG_3317

 

Pusong Bato. (Heart of stone.)

Tagging the National Kidney and Transplant Institute (NKTI) administration “pusong bato” two days before Valentine’s Day, some fifty patients  and their relatives voiced out their concerns in a protest action that began in front of the  out-patient department and ended at the hospital’s Gate 2 after security guards prohibited the patients, some wheelchair-bound, to hold the program inside hospital grounds.

Patient and external coordinator of the Hemodialysis Patient’s Organization (HPO) in NKTI, Marivi Toledo said they are very dissappointed over the hospital management’s lack of action on patient’s welfare.

“Usapin ng buhay at kamatayan ng mga mahihirap na pasyente ang aming ipinaglalaban,” expressed Toledo. (Our struggle is a matter of life and death of poor patients.) The hospital administration has held several meetings with hemodialysis patients and promised to address said concerns, added Toledo. But until today, the patients and their relatives still grapple for meaningful results.

In their statement , the patients cried foul over the removal of service patients’ 80 percent discount on NKTI hospital expenses and services beginning 2013.

IMG_3362

“Ang 80% discount para sa mga service patients ng hemodialysis ay sinimulang unti-unting alisin ng NKTI noong 2013. Walang inilabas na kahit anong memorandum ang NKTI management kung bakit kinaltasan nang napalaki ang diskwento para sa mga service patients.”

From 80 percent, NKTI has reduced the discount to 20 percent for service patients reportedly to shift the mode of hemodialysis patients’ treatment to peritoneal dialysis or kidney transplant, said Toledo. But the choices are very delimiting since a single kidney transplant can cost up to more than P1 million. “Many of our members struggle to make ends meet or earn way below the daily minimum wage. Much as we would like to go for transplant, we simply can’t afford it,” explained Toledo.

On the other hand, peritoneal dialysis is only offered in NKTI and will pose accessibility problems for patients living outside the Metro, she said.

IMG_3323

Meanwhile, the patients also raised alarm over the continuous co-pay scheme in NKTI amounting to P550 per dialysis session apart from their Philhealth package. NKTI officials said the co-pay was needed because the hospital will “lose money” (malulugi) if it will only depend on Philhealth’s decreasing subsidy for dialysis.

Toledo lamented that many of their fellow patients fail to undergo their prescribed number of hemodialysis sessions because they don’t have the money for co-pay.

The HPO called on the government for the following demands:
• Return of the 80% discount on hospital fees for service patients
• Removal of co-pay in the 90-day Philhealth hemodialysis package
• Increase direct government support for patients in public hospitals

 

************

STATEMENT NG HEMODIALYSIS PATIENT ORGANIZATION

Malubha ang kalagayan ng mga pasyenteng may kidney failure lalo na ang mga sumasailalim ng dialysis treatment. Libu-libo ang gastusin para sa gamot, supplies at ang ilang ulit na session ng dialysis ang kailangang ihanda sa bawat pagpapagamot ng mga pasyente.

Ang malubhang kalagayang ito ay higit na nararamdaman naming mga service patients ng hemodialysis sa National Kidney and Transplant Institute. Tinatawag kaming service o charity patients ngunit ang katotohanan ay tinanggal na ang probisyon para sa libre o kundi man ay mababang bayarin naming para sa pagpapagamot tulad ng 80% discount sa mga gastusin at serbisyo ng ospital.

Ang 80% discount para sa mga service patients ng hemodialysis ay sinimulang unti-unting alisin ng NKTI noong 2013. Walang inilabas na kahit anong memorandum ang NKTI management kung bakit kinaltasan nang napalaki ang diskwento para sa mga service patients.

Sa kasalukuyan, 20% na lamang mula sa 80% ang ibiningay na diskwento para sa mga service patients. Ang paliwanag ng NKTI management sa pag-aalis ng diskwento ay para raw mahikayat ang mga hemodialysis patients na lumipat patungong perotonial dialysis treatment o kaya’y magpa-kidney transplant na lamang. Ang peritonial dialysis treatment at kidney transplant daw ang prayoridad ng ospital, sang-ayon kay Dr. Romina Danguilan.

Hindi ba’t ang nasabing paliwanag ng NKTI ay isang paglabag sa karapatan ng mga pasyente na pumili ng kung anong paraan ng treatment?

Gayundin, isang malaking pahirap para sa mga service patients ang malaking kaltas sa 80% discount. Magmula nang ito ay kaltasin, higit na lumaki ang aming mga gastusin sa gamot, laboratoryo, supplies atbp. Pangangailangan para sa aming pagpapagamot.

Isang malaking pahirap din sa aming mga hemodialysis service patients ang usapin ng ipinatutupad na co-pay ng NKTI sa bawat session ng dialysis sa ilalim ng 90 sessions dialysis package ng PhilHealth. Sa ilalim ng bagong package, pinahaba nga ng Philhealth sa 90 sessions mula 45 sessions ngunit bumaba naman sa P2,600 mula sa P4,500 ang bawat session ng dialysis. Sa bagong package, tinanggal din ang probisyon para sa epoeitin injection.

Dahil “malulugi” raw ang NKTI sa bumabang halaga ng bawat session ng dialysis sa bagong PhilHealth package sa hemodialysis, ipinatupad ng NKTI ang co-pay mechanism para sa bawat session ng dialysis. Mula noong Hulyo at Setyembre 2015, nagbayad ng P250 na co-pay bawat session ng dialysis ang mga hemodialysis patient. Magmula naman noong Oktubre 2015 hanggang sa kasalukuyan, ang mga pasyente ay sinisingil ng P550 na co-pay para sa bawat session ng dialysis. Nakabantang tumaas sa P750 ang co-pay ng mga pasyente sa sandaling mapalitan na ang service provider ng dialysis sa NKTI.

Isang malaking parusa ang sistema ng co-pay na ipinapatupad ng NKTI para sa aming mga pasyente. Sa kasalukuyan, kailangan naming maghagilap ng pera para mabayaran ang co-pay na P550 sa bawat salang naming sa dialysis. LIban pa sa kailangan pa rin naming gumastos para sa epoetin injections. Maraming pagkakataon na hindi na nakakapag-dialysis ang mga pasyente dahil wala silang nahagilap na pera para bayaran ang co-pay sa ilalim ng PhilHealth package.

Kung kaya’t walang katotohanan ang ipinagmamalaking “to lessen the financial burden of its members” ng PhilHealth. Sa bagong package, mas lumaki ang halagang pinipilit pigain mula sa bulsa ng mga pasyente at higit pa itong pinalala ng co-pay na ipinatupad ng NKTI.

Ang mga suliraning kinakaharap naming mga service patients sa NKTI at ng marami pang mga mahihirap na pasyente sa buong bansa ay bunga ng maliit na badyet sa kalusugan partikular na ang badyet para sa mga pampublikong ospital. Ayon sa pamunuan ng NKTI, isang government corporation daw ang ospital kung kayat ang ibinibigay lang na subsidyo ay 10%-12% ng taunang badyet ng institusyon. Ang ospital daw ay nagsasagawa ng mga pamamaraan para kumita at tustusan ang patuloy na operasyon ng ospital. Kaya nga ba’t, ang lahat ng serbisyo, gamot, laboratory atbp sa NKTI na lahat ay napakamahal ay kailangang bayaran ng mga pasyente. Ang NKTI na dapat ay isang ospital ng gobyerno ay pinatatakbo bilang isang pribadong ospital na ang intensyon ay kumita nang malaki.

Sa harap ng mga isyu at suliraning aming kinakaharap, marapat lamang na ipaglaban ang aming karapatan para sa kalusugan. Aming ipinanawagan ang mga sumusunod:

• IBALIK ANG 80% DISCOUNT PARA SA HEMODIALYSIS SERVICE PATIENTS!
• ALISIN ANG CO-PAY SA 90-SESSIONS PHILHEALTH HEMODIALYSIS PACKAGE! IBALIK ANG MGA INALIS NA PROBISYON NG LUMANG PHILHEALTH PACKAGE SA BAGONG 90-SESSION HEMODIALYSIS PACKAGE!
• DAGDAGAN ANG BADYET NG OSPITAL PARA SA MGA MAHIHIRAP NA PASYENTE!